Pedicab driver umakyat sa poste ng kuryente kalaboso

KALABOSO ang isang 27 anyos na pedicab driver matapos akyatin ang poste ng Meralco dahil sa pagwawala kamakalawa ng gabi.

Umabot ng limang oras bago na hinuha ng mga miyembro ng  Manila Police District sa Binondo, Manila  si Allan Valenzuela, tubong Camarines Sur at umano’y walang tiyak na tinarahan sa lungsod, na bumaba.

Sinampahan na ng kasong alarm and scandal si Valenzuela.

Batay sa ulat ni PO3 Leonardo Mariano na isinumiti kay P/Supt. Ferdinand Quirante, Station Commander ng MPD-Binondo Police Station 11, nagsimula umanong umakyat si Valenzuela sa poste ng Meralco sa panulukan ng Reina Regente at Claro M. Recto sa Binondo, saka ito tumawid sa kabilang kalye na aabot sa may 20 piye ang taas ng kawad ng kuryente.

Nagmistulang shooting ng pelikula ang ginawa ni Valenzuela.

Bukod sa pulisya, dumating din ang truck ng pamatay sunog at nilagyan ito ng hagdanan, bago kinausap ng masinsinan si Valenzuela na wala naman umanong sakit sa pag-isip.

Ayon sa nakuhang impormasyon, nagawa umanong umakyat sa kawad ng kuryente si Valenzuela dahil na impound umano ang pinapasada nitong sidecar sa Traffic Bureau sa Port Area, Manila.

Napilitang bumaba si Valenzuela ng bumuhos ang malakas ang ulan bandang 11:30 ng hatinggabi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply