Pekeng footwear, lansag ng BOC at ni Gen. Ordoñez

NAKU po, Diyos por Santo, ano ba itong sinalakay na P25 milyon mga pekeng footwear ng Bureau of Customs (BOC) sa pamumuno mismo nina Comm. Ruffy Biazon at DepCom Danilo Lim sa isang warehouse sa Pasay City.

Ang laki ng pagpapasalamat ng mga kompanya ng Adidas, Sports, Moda, Crocs, Vans, Havaianas, Nike at iba pa sa pagkakakumpiska ng BOC ng mga pekeng footwear na pawang galing sa bansang China.

Bago daw ito ay may natanggap na report si Biazon hinggil sa kaliwa’t kanang  pagpapalusot ng mga pekeng footwear kaya agad niyang inalerto ang kanyang mga operatiba sa pangunguna ni DepCom Lim para mangalap ng mga impormasyon na kung saan nakaimbak ang mga pekeng produkto.

Hindi nagtagal makalipas lang ng ilang araw ay nasamsam ang mga smuggled good sa isang warehouse sa Russel Avenue sa Pasay City.

Kasama sa mga dapat na parangalan sa pagkakasakote ng mga ito ay si Ret. Brig. Gen. Reynaldo Ordoñez, chief of staff ni Lim.

Si Ordoñez kasi ang siyang laging kaagapay ni Lim sa mabilis na pagbuwag ng  smuggling activity sa Aduana.

Karamihan sa mga broker at importer ay suportado si Ordoñez kahit siya pa ang pumalit sa puwesto ni Lim dahil sa nagdesisyon ang mama na tatakbo uli ito sa pagkasenador sa bandila ng Liberal Party sa 2013.

Kaya hindi na nag-aalala ang BOC kung lisanin man ni Lim ang byuru dahil malaki ang tiwala nila kay Ordoñez.

Color game pader kay hepe

Sa Calamba uli naman ay napakatagal nang nagpapa-color game itong si Babay Tomboy Panganiban sa Brgy. Paciano sa tapat ng Jollibee, Calamba, Laguna.

Matibay ang pwesto piho na color game na ito ni Baby Tomboy dahil halos mahigit sa 6 months na ito nag-o-operate sa lugar.

oOo

Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 0918-9274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply