Perya ng mga pulitiko

MAY paperya sa hanay ng mga politiko ngayon.

Walang iba kundi ang kasong impitsmen ni Chief Justice Corona.

Pero hindi lang paperya, Suki, ang meron.

Meron pang kasama na sugal.

Kung susumahin, pergalan yan. May perya na, may sugal pa.

oOo

Tulad sa perya, may masaya sa impitsmen. Sa dami ba naman ng mapanonood na eksena rito.

Ewan natin kung ano ang mapanonood sa araw na ito.

Ang sabi, may pagsusumite pa ng mga kinakailangan na ebidensya para sa kombiksyon o akwital ni Mang Atong.

Meron na ring gagawing oral argument na kung ano ang lalamnin ay sila-sila lang ang nakaaalam. Siyempre pa, kasama sa mga ikakatwiran sa argumentong ito ay kung impitsabol ba o hindi ang mga kasalanang ibinibintang kay Corona.

Diyan magsusuwagan sina Justice Serafin Cuevas at Tagausig-Kongresman Niel Tupas.

Kung saka-sakali, at kung may oras, magbababa na rin ng hatol ang mga senador-hukom. Maaari naman nilang gawin ito bukas.

Baka kasi may naniniwala sa karma na kung gagawa sila ng desisyon sa araw ng Lunes ay higit silang mamamalasin kesa susuwertihin.

oOo

Tulad ng nabanggit natin, Suki, hahaluan ng mga pulitikong sangkot ng sugal ang impitsmen.

Sugal para sa halalang 2013 at 2016.

May magbubunyi at magpapakita ng mukha ng pagsasaya para naman makuha ang simpatya ni Juan sa darating na mga halalan.

Meron namang magmumukhang malungkot, para makakuha pa rin ng simpatya para sa nasabing mga halalan.

Wala kasing gaanong nakaaalam kung ano ang ibubunga ng pagiging guilty o inosente ni Corona sa gagawing hatol.

Kasama sa mga tataya siyempre sa sugal ang mga senador-huwes na magiging anti o pro-Corona.

Sino-sino kaya ang makakukuha ng jakpat sa halalan?

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply