Peterson vs Khan II kanselado na!

TULUYAN nang kinansela ang rematch sa pagitan nina Amir Khan a t Lamont Peterson na gaganapin sana sa May 19.

Dahil sa bagsak sa drug test na isinagawa ng Voluntary Anti-Doping Association (VADA), hindi na rin natuloy ang hearing na idaraos sana ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) na magdedetermina kung nararapat na mabigyan ng lisensya sa Las Vegas si Peterson.

Una nang kinumpirma ni Golden Boy CEO Richard Schaefer na natuklasang gumagamit ng steroid si Peterson.

Ayon kay Schaefer, sinabi ni Dr. Margaret Goodman ng VADA  sa Nevada Commission na ang WBA super lightweight champion na si Peterson ay nagpositibo sa isang substance na maiuugnay sa steroid. Ang A at B samples ni Peterson ay parehong lumagpak sa test.

Subalit maglalabas na ng ruling ang commission kung tuloy o hindi ang laban kapag nakapaglatag na ng paliwanag si Peterson.

Si Peterson ay sunod-sunod na isinailalim sa test simula pa noong April 12 at kumuha ang VADA ng A Sample test noong April 13.

Ayon naman sa NSAC, wala pa itong balak na bigyan ng lisensya sa naturang lugar si Peterson/

“We have not received his medicals or paperwork, which is not that unusual as a lot of fighters wait until the week of the fight. But given the circumstances, I have no plans to license him at this time,” ayon sa NSAC.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply