Petisyon ng TV5 diringgin sa Miyerkules

ITINAKDA sa Miyerkules ng hapon, Mayo 16 ang pagdinig sa inihaing petisyon ng TV5 sa Court of Appeals.

Ang nasabing petisyon ay humihiling na pigilan ang pagpapatupad ng ipinataw na suspensyon ng Movie and television Review and Classification Board (MTRCB) laban sa programang T3.

Ayon sa Clerk of Court ng Court of Appeals First Division, ang nasabing pagdinig na gaganapin alas-dos ng hapon ay tutukuyin kung kinakailangang magpalabas ng temporary restraining order laban sa preventive suspension order ng MTRCB.

Matatandaang nagpalabas ng suspensyon ang MTRCB laban sa magkakapatid na Ben, Erwin at Raffy Tulfo matapos bantaan sa ere ang nakaaway ng kanilang nakatatandang kapatid na si Mon na sina Raymart at Claudine Santiago sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong May 5.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply