Petron, Phoenix may rollback bukas

MAGPAPATUPAD ng rollback sa presyo ng kanilang petrolyo ang Petron at Phoenix Petroleum bukas.

Epektibo simula 12:01 mamayang hatinggabi, babawasan ng 35 sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel at kerosene habang 45 sentimos naman sa bawat litro ng premium at unleaded gasoline.

Tatapyasan naman ng 90 sentimos ang kada litro ng regular gasoline.

Magbabawas naman ang Phoenix ng 45 sentimos sa kada litro ng gasolina habang 35 sentimos naman sa diesel simula alas-sais ng umaga bukas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply