Phil Ambassador sa Portugal kinasuhan

SINAMPAHAN ng patung-patong na kasong kriminal ng isang negosyante ang ambassador ng Pilipinas sa Portugal sa Makati City Prosecutor’s Office dahil sa umano’y iligal na pagpasok sa kanyang ari-arian.

Kinasuhan ng “trespassing, malicious mischief, grave threats, coercion, at slight physical injuries” sa opisina ni Makati Assistant City Prosecutor Stefano dela Cruz ng 74-anyos na si Roberto Santos si Ambassador Philippine Jones Lhuiller, may-ari rin ng pinakamalaking pawnshop chain sa bansa.

Sinampahan din nito ng kahalintulad na mga kaso ang security guard na si Marvin Oropeza,  at Pio Tizon, operations manager ng Jagline Security Agency at mga tauhan na sina Leo Legaspi at Dante Reynera.

Sa affidavit ni Santos, nag-ugat ang kanyang reklamo nang pasukin umano nina Lhuiller at ng mga security guards nito ang lupang kanyang pag-aari sa may Candelaria Street, San Miguel Village, Makati.

Inakusahan nito sina Lhuiller at mga tauhan na hinarass siya sa tatlong magkakahiwalay na pagkakataon nang hinarang siya na makapasok sa kanyang ari-arian.  Nilagyan pa umano ng mga ito ng harang at bubungan ang kanyang lupa.

Nangyari umano ang pangha-harass sa unang linggo ng Abril 12 at Abril 27 ng taong ito nang tinutukan pa siya ng baril ng mga sekyu.

Sinabi ni Santos na naging interesado umano sa kanyang ari-arian si Lhuiller dahil sa katapat ito ng pag-aari nitong PJ Lhuiller Bldg.

Itinakda naman ni Dela Cruz ang preliminary hearing sa kaso sa bukas Mayo 29.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply