Philippine stocks bumawi sa trading

NAKABANGON sa anim na araw na pagkalugi ang Philippine stocks sa ulat kanina.

Ito ay matapos lumago ang Philippine Stocks Exchange (PSE) index ng 152.79 points o 3.14 percent matapos magsara sa 5,017.02.

Dahil dito, naitala sa 137 ang gainers na traders habang 32 ang decliners.

Matatandaan na nitong anim na araw na nakalipas ay bumagsak ang lokal na merkado dahil sa financial crisis sa Europe at umiigting na territorial disputes sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Una nang ipinaliwanag ng stock market analysts na malaking kadahilanan sa mahinang performance ng merkado ang “external factors” katulad ng problema sa ekonomiya ng Greece at Spain at pangamba ng mga investors sa epekto ng sigalot sa pagitan ng China at Pilipinas.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply