Phillip Phillips kampeon ng American Idol season 11

ANG PAMBATO ng Georgia na si Phillip Phillips ang itinaghal na kampeon ng American Idol season 11 matapos na makakuha ng pinakamaraming boto.

Sa final showdown kahapon (Mayo 23, Manila time) umani ng standing ovation mula sa mga Idol judge na sina Steven Tyler, Jennifer Lopez at Randy Jackson sa ikatlong round o nang awitin ang original song na “Home.”

Magugunitag hindi napabilang sa bottom list si Phillip at madalas na unang naililigtas na ayon sa mga analyst ay marahil siya ang nakakukuha ng pinakamaraming boto.

Trade mark ni Phillip ang kanyang gitara sa bawat performance.

Ginapi ni Phillip ang pambato ng San Diego, California na si Jessica Sanchez.

Una nang sinabi ni Jessica na mas deserving manalo si Phillip na itinuturing na niyang kuya.

Si Phillip ay kabilang na American Idol champion gaya nina Kelly Clarkson (season 1); Ruben Studdard (season 2); Fantasia Barrino (season 3); Carrie Underwood (season 4); Taylor Hicks (season 5); Jordin Sparks (season 6); David Cook (season 7); Kris Allen (season 8); Lee DeWyze (season 9) at Scotty McCreery (season 10).

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply