Pinas bibili ng 100,000 tons ng bigas sa Vietnam, Thailand

INANUNSYO kaninang umaga ng National Food Authority (NFA) na bibili ang Pilipinas ng 100,000 tons ng bigas sa Vietnam o Thailand, at maaari pang bumili sa huling bahagi ng taon ng 20,000 tons pa para makompleto ang import requirements ng bansa.

Ang state grains procurement agency ay hihingi sa ngayong araw mula sa dalawang bansa na kilalang malaking rice exporters para matiyak na ang kargamento ay darating bago magsimula ang harvest season sa Hulyo, pahayag ni NFA Administrator Angelito Banayo.

“We will send invitations today to Thailand and Vietnam for 100,000 tonnes,” pahayag ni Banayo sa isang text message.

Ang dalawang bansa ay maaari aniyang magpartisasyon sa isang tender para sa nananatiling 20,000 tons volume sa huling bahagi ng taon. Isa rin na posibleng maging supplier ang Cambodia kaya nililigawan na ito ng Pilipinas para lumagda sa isang rice supply deal sa bansa sa Mayo 30.

Ang pagbili ng bigas ay parte ng plano ng Pilipinas sa 2012 imports na 500,000 tons, na  mas mababa sa record imports ng 2.45 million tons noong 2010 at 860,000 tons nitong nakaraang taon habang tumataas ang domestic rice production.

Pinapayagan din ang private rice traders at farmers’ groups na magpasok din ng 380,000 tons sa unang bahagi ng taon.

Karaniwan nang bumibili ang Pilipinas ng bigas mula sa world’s No. 2 exporter Vietnam, at maliliit na bulto mula sa biggest seller na Thailand.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply