Pinas bibili ng bagong fighter jets

KINUMPIRMA mismo ni Pangulong Noynoy Aquino na muling bibili ang bansa ng  fighter jets pero hindi na second hand, bagkus ay brand new na.

Ani PNoy, una nilang ikinonsidera ang pagbili ng F-16 mula sa Estados Unidos na second hand pero nagbago ang kanilang isip dahil hindi rin naman nalalayo ito sa presyo ng brand new.

Sa ngayon, hindi pa man pinangalanan ang bansang pagbibilhan, siniguro ni PNoy na hindi sa US  kundi sa isang progresibong bansa na may mga kagamitang panggiyera.

Mas praktikal aniya ang pagbili ng bagong armas dahil maaari itong gamitin sa loob ng 20 taon kompara sa US F-16 na mas mura man ay  hanggang dalawang taon lang ang airframe.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply