Pinas ‘di dapat mangamba sa deployment ng warship ng China

HINDI dapat mangamba ang Pilipinas sa ginagawang pagde-deploy ng China ng lima nitong warship malapit sa bansa.

Sinabi ni Defense spokesman Peter Galvez na walang dapat ikabahala habang ang mga warship ay nananatili sa international waters.

Binigyang diin ni Galvez na hindi dapat bigyan ng kulay ang pagde-deploy ng warship dahil maraming dumadaang foreign vessel sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.

Una nang inireport na nag-deploy ng limang warship ang China malapit sa Pilipinas para mabilis makapunta sa Scarborough Shoal kasunod ng paglutang ng USS North Carolina o ang attack submarine ng Estados Unidos sa Subic.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply