Pinas di kakagat sa pambu-bully ng China

MAY ikakasang bagong diplomatic initiative ang Pilipinas ukol sa tumitinding tensyon sa Scarborough Shoal.

Naniniwala si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na sa pamamagitan ng bagong diplomatic initiative ay huhupa ang tension sa pinag-aagawang Panatag Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea.

Nauna rito, nagbabala ang Beijing na handang-handa na sila sakaling maging grabe ang maritime standoff sa Pilipinas.

“According to the Department of Foreign Affairs (DFA), we are endeavoring to undertake a new diplomatic initiative which we hope will help diffuse the situation,” ani Valte.

Sa harap ng naunang pahayag ni Chinese Vice Foreign Minister Fu Ying, nagsasagawa na sila ng kaukulang paghahanda sakaling lumala pa ang sitwasyon, muli namang hinimok ng Beijing ang Philippine government na iatras na ang mga naka-deploy nitong barko sa area at tigilan na ang ginagawang panghaharas sa Chinese fishermen.

Sa ngayon ay mayroong 32 Chinese ships sa shoal habang dalawang barko naman ang idineploy ng Pilipinas.

Sa ulat, nagbigay katiyakan si Chinese Foreign Ministry spokesperson Liu Weimin na katulad ng Philippine government, nais din nilang maresolba ang isyu sa pamamagitan ng negosasyon at “friendly consultations.”

Para sa Pilipinas, pursigido pa rin ang gobyernong Aquino na idulog sa international tribunal ang kaso at isulong ang iba pang diplomatikong paraan upang agad na malutas ang lumalalang territorial disputes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply