Pinay gold medal sa world boxing

WALANG humpay na kasiyahan ang tumigib sa dibdib ni Southeast Asian Games champion na si Josie Gabuco nang masungkit ang gold medal sa prestihiyosong 2012 AIBA Women’s World Championships na ginanap sa Olympic Sports Center sa Qinhuangdao, China.

Nagbingi-bingihan na lamang si  two-time World Championships bronze medalist na si Gabuco sa matinding sigawan ng Chinese crowd para tuluyang gapiin si Xu Shiqi ng China sa bendisyon ng 10-9 desisyon sa light flyweight division.

Ibinigay lahat ni Gabuco ang natatagong lakas sa huling yugto ng laban para maging puhunan para kunin ang panalo.

Unang nahawakan ng Chinese bet ang kalamangan sa unang yugto ng sagupaan sa iskor na 1-2 kasunod ang pagkuha ng 3-5 bentahe sa ikalawa at 7-8 abante sa ikatlong kanto bago ilatag ni Gabuco ang galing sa huling bahagi ng bakbakan.

“It was like fighting thousands of opponents. The crowd definitely got to me at first, so I was very cautious and tried to come up with an antidote to my shifty opponent,” ayon sa 25-anyos na si Gabuco na may anak na 5-taong gulang.

Sinikap pa ni Xu na paluhurin si Gabuco sa ikatlong kanto ng laban ngunit agad itong napuna ng Hungarian referee dahilan upang bigyan ng warning ang Chinese boxer.
Nagpumiglas nang todo si Gabuco nang ilatag nito ang malulupit na suntok at uppercuts na tunay na nagbigay pasakit sa Chinese fighter.

Pinuri ni Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) President Ricky Vargas ang tagumpay ni Gabuco.

“We in ABAP are happy for Josie and we salute her. Her triumph is a testament to hard work, dedication, determination and faith. Josie believed and we in turn believed in her. To have had a humble part in the making of the first Filipina World Champion is a privilege,” ani Vargas.

Ito ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Women’s World Championships.
“We in ABAP and all your fellow boxers thank you Josie, for giving us all the motivation to continue with the dream,” dagdag nito.

Ang iba pang miyembro ng national team ay sina boxers Alice Kate Aparri at Nesthy Petecio, coaches Elias REcaido Jr. at Mitchel Martinez, at ABAP executive director Ed Picson.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply