Pinay hinatulan ng bitay sa Malaysia

ISANG Filipina ang hinatulan ng bitay sa Malaysia dahil sa kasong drug trafficking.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ibinaba ang hatol laban sa 45-anyos ng Pinay kahapon (Mayo 28) matapos itong sumailalim sa imbestigasyon.

Nahulihan ang Pinay ng 1,126.9 gramo ng cocaine sa Puduraya bus terminal sa Kuala Lumpur, noong 2009.

Naganap ang paghatol sa Pilipina habang nasa Malaysia si Vice President Jejomar Binay para sa tatlong araw na working visit sa Kuala Lumpur.

Sa ulat naman ng Bernama news agency, kinilala ang Pinay na si Eliza Sans Gabrier (San Gabriel).

Hindi pa makapagbigay ng pahayag sina DFA Assistant Secretary Raul Hernandez at Philippine Ambassador to Malaysia Eduardo Malaya kung nabigyan ng ayuda ang Pinay habang dinidinig ang kaso nito.

Batay pa sa ulat, hindi nagbigay ng anomang pahayag ang Pinay matapos na basahan ng sakdal ni Judge Datuk Mohd Sofian Abdul Razak.

Umabot sa siyam na katao ang naging testigo ng taga-usig laban sa akusado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply