Pinay kinoronahang first runner-up sa 2012 Miss Teen Universe

WAGI bilang first-runner ng 2012 Miss Teen Universe ang pambato ng Pilipinas na si Clarisse Marie Obia.

Ang coronation night ay ginanap sa Managua, Nicaragua kahapon (Abril 30 o Mayo 1 sa Pilipinas).

Nakalaban ni Obia, 19 sa Final 6 ang mga kandidata mula sa Costa Rica, Canada, Margarita Island, Brazil at Panama.

Si Miss Panama Sasha Nikyta Kam ang nakauwi sa titulo ng 2012 Miss Teen Universe.

Bukod sa pagiging firs runner-up ay nakuha rin ng Pinay ang national costume award.

Tubong Biñan, Laguna si Obia at kasalukuyang nag-aaral sa Lyceum of the Philippines University.

SI Obia ang napili ng Bb. Unibersidad Organization upang maging kinatawan ng Pilipinas sa nasabing pageant.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply