Pinay pasok sa finals ng world boxing

NAKAPASOK sa finals ang Southeast Asian Games gold medalist na si Josie Gabuco nang yanigin ang karibal sa semifinals ng prestihiyosong 2012 AIBA World Women’s Championships na idinaraos sa Olympic Sports Center Gymnasium sa Qinhuangao, China.

Itinala ng 25-anyos na si Gabuco ang mahusay na 12-7 panalo kontra kay World Cup of Petroleum Svetlana Gnevanova ng Russia at makadale ng puwesto sa finals ng light flyweight division.

Unang nakadale ng finals ang Russian fighter sa nakuhang  2-0 kalamangan makaraan ang unang yugto ng sagupaan. Pero kumawala ang matitinding atake ni Gabuco sa ikalawang  yugto kung kaya itinabla sa 4-4 ang iskor.

Lalo pang nag-umigkas ang World Championships bronze medalist na si Gabuco sa ikatlong round sa bisa ng mabibigat na upak at mahusay na footwork para umalagwa sa iskor na 8-5 at makuhang ganap ang panalo sa huling yugto ng laban.

Makakasagupa ni  Gabuco sa gold medal round si Xu Shiqi ng China na rumehistro ng 17-10 panalo laban kay Nazym Kyzaybay ng Kazakhstan sa magkahiwlay na semis game sa event na may basbas ng Amateur International Boxing Association.

Ang pagwawagi  ang magbibigay ng katiyakan kay Gabuco ng pilak na medalya, ang pinakamataas na medalyang nakamit nito sa World Championships ngunit desidido ang Pinay fighter na makuha ang gintong medalya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply