Pinay pugs pasok sa Q’finals 2012 World Women Boxing China

NAKASILAT ng pwesto sa q’finals sina Josie Gabuco at Alice Kate Aparri sa 2012 World Women’s Boxing Championships na ginaganap sa Qinhuangdao, China.

Ipinakita ni Gabuco ang matinding karanasan para gulatin ang paboritong si Bolortuul Tumurkhuyag ng Mongolia sa dominanteng 12-4 panalo sa light flyweight division.

Nakapagtarak si Gabuco ng 6-1 kalamangan sa unang yugto ng laban at saka kumana ng malulupit na atake dahilan para mag-isip ng paraan ang karibal na si Tumurkhuyag para maiwasan ang mga suntok ng Pinay boxer.

Pero winarningan si Tumurkhuyag dahil sa laging pagyakap kay Gabuco.

Nakatanggap ng tatlong sunod na warning sa ikatlong yugto ng laban si Tumurkhuyag sapat upang madiskuwalipika sa laban.

Sa isang laban, naging mas madali ang daang tinahak ng tubong Baguio City na si Aparri nang dikdikin si Nilmini Jayasinghe ng Sri Lanka sa bantamweight class ng torneong nilahukan ng mahigit 100 bansa.

Alam na ni Aparri ang mga estilo ng Sri Lankan fighter dahil sumailalim ito sa dalawang linggong pagsasanay sa Maynila at Bohol.

Inilista ng World Championships bronze medalist na si Aparri ang 2-1, 6-2, 11-5 at 16-8 iskor sa buong panahon ng laban.

Makakasagupa ni Gabuco si Canadian Kim Klavel sa quarterfinals habang si Aparri ay nakatakdang makipagtuos kay Csilla Nemedi-Varga ng Hungary sa hiwalay sa quarterfinal match.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply