Pinoy captain, isa pa, hinatulan ng pagkabilanggo sa New Zealand

PITONG taong pagkabilanggo ang inihatol ng New Zealand court sa isang Pinoy na kapitan at isang second officer ng cargo vessel na sumadsad sa Astrolabe Reef sa New Zealand noong Oktubre 5, 2011.

Ang nasabing pagsadsad ng barkong Rena sa reef ay nagdulot ng oil spill na pinakamalala sa kasaysayan ng nasabing bansa.

Nabatid na umabot sa 400 tonelada ng langis ang natapon sa karagatan na ikinamatay ng halos 2,000 seabirds.

Nagpasa ng not guilty plea sa New Zealand court ang ship captain na si Capt. Mauro Balomaga at ang second officer niyang si Leonil Relon pero hindi sila kinatigan ng korte nang lumabas sa imbestigasyon na nag-short cut ang kanilang barko para lamang agad na makarating sa port.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply