Pinoy fishermen hinimok mangisda sa Scarborough Shoal

HINIMOK ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga mangingisdang Pinoy na magtungo sa tinaguriang Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal upang makapangisda doon.

Ayon kay PCG Vice Admiral Commandant Edmund Tan, walang dapat ikabahala ang mga mangingisda sa lugar dahil may dalawang barko ng pamahalaan na nakabantay.

Tinayak din ng opisyal na hindi mawawala ang mga tropa ng PCG.

Nanindigan din ang PCG na mananatiling nakatas ang watawat ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc bilang patunay na nasasakop pa rin ito ng ating bansa.

Sa kabila ng umiinit na pahayag ng ilang opisyal ng China sa usapin sa pinagtatalunang isla ng Scarborough Shoal ay umaasa pa rin ang PCG na magkakalinawan ang magkabilang panig, sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply