Pinoy na walang trabaho sumirit sa 13.8 milyon

TUMAAS na sa 13.8 million Filipino ang walang trabaho sa first quarter ng 2012 habang sumirit naman sa “record-high” na 34.4 porsiyento ang unemployment sa unang tatlong buwan ng taon, ayon sa bagong survey na ipinalabas kaninang umaga ng pollster Social Weather Stations.

Sinabi ng SWS na lumabas sa survey na ikinasa nitong Marso 10 hanggang 13 na 34.4-percent unemployment rate ay 10 puntos na mas mataas sa 24 percent o 9.7 million jobless Filipinos na naitala noong Disyembre 2011.

Ang SWS, na naglathala ng resulta ng pinakahuling survey na 34.4-percent rate ay 10 puntos na mas higit na mataas sa 24 percent–ng tinatayang 9.7 million Filipino na walang trabaho na naitala noong Disyembre 2011.

Nahigitan din nito ang dating record na 34.2 percent noong Pebrero 2009, dagdag pa.

Ang SWS findings ay ikinumpara rin sa government’s own Labor Force Survey (LFS) noong Enero, na nagpapakita na ang unemployment rate ay bumaba na kaunti sa 7.2 percent mula sa 7.4 percent noong 2011, na ang ranggo ng mga walang trabaho ay gumalaw sa 2.922 million mula sa 2.917 million sa parehong panahon.

Ang survey ay ikinasa sa 1,200 Filipino adults sa buong bansa.

Sa ulat naman ng BusinessWorld, sinabi ng SWS na lumabas sa kanilang huling survey na ang edad ng unemployed ay 18 habang ang naghahanap ng trabaho ay kabilang ang 13 percent retrenched, 15 percent nagbitiw sa trabaho at 6 porsiyento ay first-time job seekers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply