Pinoy Pandesal nagrolbak ng P1 kada supot

IPINATUPAD na ang P1 bawas-presyo sa kada supot ng Pinoy Pandesal ng grupo ng malalaking panaderya sa Pilipinas.

Base sa katatapos lamang na pulong ng National Price Monitoring Council sa Department of Trade and Industry (DTI), sinabi ni Trade Secretary Gregory Domingo na P23 na lamang ngayon ang isang supot na may 10-pirasong Pinoy Pandesal mula sa dating presyong P24.

Matatandaang noong Pebrero, bumaba rin ng P1 ang presyo ng kada supot ng Pinoy Pandesal.

Ang rollback sa pandesal ay  bunsod na rin ng pagbaba ng presyo ng harina sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply