Pinoy sumungkit ng 8 gold sa powerlifting

NAKAPAGBULSA ang national powerlifting team ng 8 pang gold, 17 silver at 1 bronze medal kalakip ang apat na world record at 11 Asian record sa katatapos na 2012 Asian Powerlifting Championships na idinaos sa Udaipur, India.

Apat na gold medal ang kinamada ng bagitong si Regie Ramirez sa boys’ 53-kilogram juniors.

Nakubra ni Ramirez, 19, ang ginto sa 180 kgs sa squat event habang nagtala ng 197.5 kgs para sa gold medal sa deadlift. Umani pa ng gold si Ramirez sa bench press sa 105 kgs. Bagong Asian record ang lahat ng  apat na events ni Ramirez.

Sumegunda sa squat, deadlift, bench press at total ang isa pang pambato ng Pilipinas na si Ralph Hidalgo para sa apat na pilak na medalya sa weight class.

Bumandera rin si Betina Bordeos sa nakuhang dalawang gold, isang silver pilak at isang bronze medal sa girls’ -kilogram juniors.

Naibulsa ni Bordeos ang ginto sa deadlift tangan ang 167.5 kgs habang nangibabaw rin bench press mula sa kaniyang nabuhat na 85 kgs habang ang tanso ay ito sa total event sa kanyang nakuhang kabuuang 385 kgs. Ang pilak ni Bordeos ay mula sa squat category.

Hataw naman si Anita Koykka ng isang ginto at tatlong pilak sa women’s 52-kilogram Open tampok ang pagwasak sa limang world records at pitong Asian marks.

Ang isa pang gold medal mula kay Clark Cruz sa deadlift event ng boys’ 93-kilogram Sub-Junior. Bumuhat si Cruz ng 225 kgs sapat para kunin ang gintong medalya.

Nakalikom din ito ng tatlong pilak sa bench press (130 kgs), squat (230 kgs) at total (585 kgs).

Sa iba pang resulta, kumana si Raymond Debuque ng apat na pilak sa boys’ 120+ kg Junior habang may tig-isang pilak rin sina John Castelar sa boys’ 74kg Sub-Juniors at Ramon Debuque sa men’s 93kg Master II.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply