Piolo ‘di apektado sa break-up nila ni KC!

PARANG exchange partners naman ang nangyari kina KC Concepcion at Piolo Pascual dahil sa latest movie ni Piolo under Star Cinema na Every Breath U Take, ang GF naman ni Derek na si Angelica Panganiban ang kanyang leading lady. Buti naman walang gimik na lumabas na kesyo hiwalay na sina Derek at Angelica dahil hindi naman maniniwala ang mga tao!

At any rate, we believe the movie will stand on it’s own merit. It’s a romantic comedy kaya mag-e-enjoy ang mga manonood. Sa trailer pa lang ng movie ay super kilig na ang chemistry na namamagitan kina Piolo at Angelica.

Mismong si Piolo ay bilib kay Angelica sa galing ng aktres sa comedy. At nakatulong nang malaki ang matagal nang pagiging magkaibigan ng dalawa kaya komportable na sila sa isa’t isa. Seventeen palang si Angelica noon nang nagsama sila ni Piolo sa Mangarap Ka.

Natutuwa rin kami at hindi affected ang career ni Piolo sa nangyaring break-up sa kanila ni KC. Nagre-rate ang kanyang primetime series na Sa Ngalan Ng Pag-Ibig at nananatili pa rin ang kanyang napakaraming product endorsements. Sa madaling salita, naka-survive si Piolo sa naging krisis sa personal a buhay niya lately.

“My faith in the Lord is what makes me going. Kung ano man ang nangyayari sa akin, masaya pa rin ako. Kasi a- lam ko, hindi ako pinababayaan ng Diyos. Kung ano mang dumating na pagsubok sa personal na buhay ko, I just have to deal with it. I have learned to go with the flow,” pahayag ni Piolo.

****

FOR the first time ay walang leading man si Marian Rivera sa bago niyang sitcom sa GMA7 na Tweets For My Sweet. Instead isang katerbang komedyante ang makakasama niya tulad nina Nova Villa, Roderick Paulate, Mikey Bustos at Chef Boy Logro. Mapapanood na ito simula sa Linggo kapalit ng “Spooky Nights.”

Tinatawanan lang ni Marian ang mga tsikang buntis daw siya ngayon kasi wala pa raw sa plano nila ni Dingdong Dantes ang mag-asawa at magkaanak. Pero sakali raw na mabuntis siya ay hindi niya yun itatago at ia-announce pa niya sa lahat. Pero malamang 10 years from now pa yun mangyayari kasi marami pa raw siyang gustong gawin para sa sarili niya.

Okey na rin daw silang dalawa ngayon ni Katrina. At willing daw siyang dumalo sa baby shower nito kung sakaling maimbitahan siya. Magreregalo raw siya ng isang book for first time mothers dahil sa palagay niya ay makatutulong ito nang malaki sa sexy actress.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply