Pisong rollback sa LPG kanina ipinatupad

MULING nagbaba ng piso kada kilo sa presyo ng liquified petroleum gas (LPG) o P11.00 sa kada tangke simula kaninang umaga.

Ayon kay LPG Marketers Association (LPGMA) Rep. Arnel Ty, malaki ang posibilidad na bababa pa ang presyo nito sa susunod na buwan.

Nagbaba ng presyo ang LPGMA dahil sa pagbaba ng contract price nito ng halos $90 kada metriko tonelada o katumbas ng P4.00 kada kilo o P44 kada tangke sa world market.

Matatandaang mula Marso, mahigit P20 na kada kilo ang ini-rollback sa presyo ng
LPG dahilan para umabot na lamang sa mahigit P500 ang presyo ng bawat tangke nito sa kasalukuyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply