Plate maker ng LTO naputulan ng 4 daliri

IMBES sampu, anim na lamang ang natirang daliri sa kamay ng isang empleyado ng Land Transportation Office matapos maipit sa ngipin ng car plate machine ng ahensya sa Quezon City kaninang umaga.

Isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng pagkaputol ng apat na daliri sa kanang kamay ng biktimang si Salvador Orande, senior car plate maker ng Plate Making Division ng LTO.

Naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa loob mismo ng LTO-PMD.

Bago ito, may hinuhulmang mga plaka ang biktima nang aksidenteng lamunin hanggang sa maputol ng mga ngipin ng naturang makina ang apat na daliri sa kanang kamay ng biktima.

Sinasabing na-double shot-down at hindi automatic lock ang makina kaya delikado itong gamitin.

Matagal na ring inaangal at hinihiling na mapalitan ang naturang makina ng mga empleyado dahil may katandaan na.

Sa record ng LTO, pangatlo na si Orande na empleyado ng LTO-(PMD) na naputulan ng daliri.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply