PNoy hindi namemersonal kay Chief Justice Corona

HINDI pinersonal ni Pangulong Noynoy Aquino si dating Punong Mahistrado Renato Corona.

Kitang-kita naman kasi na mayroon siyang kasalanan sa bayan at nilabag na batas para siya parusahan.

Malinaw rin sa 20 senador na nag-convict kay Corona na hindi niya isinali sa kanyang SALN ang kanyang lahat ng ari-arian kaya’t walang personalang nangyari bagkus isa lamang itong pagtalima sa itinatadhana ng Saligang Batas ng bansa.

Dama rin ng sambayanan na tama ang impeachment court sa paghuhusga dahil malinaw sa public opinion na iilan lamang ang naniniwalang may kasalananan si Corona.

Sa tuwid na daan kasing tinatahak ni Pangulong Noynoy Aquino ay todo ang kampanya nito laban sa korapsyon at nagkasala sa bayan kaya’t marapat lamang itong iaplay sa lahat ng tao maging ikaw man ay ordinaryong empleyado o puno man ng Korte Suprema.

Ang kagandahan nga sa mga nakalipas na pangyayari ay nagising ang lahat maging politiko man o alagad ng husgado dahil naging sample sa kanila ang nangyari kay Corona. Sapul ang lahat dahil malinaw na ang kampanya ng tuwid na daan ni PNoy ay para sa lahat ng tiwali at nagpapalusot sa bayan.

Simple lamang ang gustong ipahiwatig dito ng Pangulong Noynoy Aquino at iyan ay bilang na ang araw ng mga dorobo at manloloko sa gobyerno maging ikaw man ay nanunungkulan noong nakalipas na rehimen o kasangkot ka sa pamahalaan sa ngayon dahil ang tuwid na daan ay sasagasa sa lahat.

###

Gigil na gigil pa rin ang mga tiwali kay Customs Commissioner Ruffy Biazon.

Tahasan at hindi kasi ningas kugon ang kampanya at pagbabagong isinasakatuparan ni Biazon sa kanyang pinamumunuang ahensya.

Hindi nga lamang ito madaliang mapatitino pero ang importante rito ay nasa tamang landas ang mama dahil matagal-tagal rin naman kasing pinamugaran ng mga dorobong tao ang Aduana. Maraming pagsubok kay Mang Ruffy pero tiyak na ito ay kanyang malalampasan dahil nasa kanyang ang blessing ng Pangulo ng bansa para sa isang matuwid na Bureau of Customs.

###

Sa mga naghahangad ng pagkalinga ng pitak na ito maari kayong mag-email sa barangayanni_isko @yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply