PNoy kay Grace Lee: Magkaibigan kami!

MAGKAIBIGAN kami!

Ito ang tugon ni Pangulong Benigno Aquino III sa tanong kung ano ang isa o dalawang salita na maaari niyang sabihin kapag binanggit ang pangalan ng TV host na si Grace Lee.

“Kaibigan natin. O kaya nga, sabi mo one word. O two words: ‘magkaibigan kami,” na tila pagkumpirma na talagang break na sila ng TV host.

At nang mabanggit ang pangalan ng American Idol Top 3 finalist na si Jessica Sanchez, sinabi ng Pangulong Aquino na “Syempre matutuwa ka naman doon na number three na yata ngayon saka ‘yung naso-solicit niyang support from the communities that are eagerly watching her, ano, wish her well. Hopefully she really reaches the top.”

Nang banggitin naman ang pangalan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, sinabi ni ni PNoy na “ipinakita ho ang husay niya at ginagawa ‘yung trabaho niya. Sorry, hindi na ‘yun one word, ano.”

Nang mabanggit naman ang pangalan ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay sinabi nito na sana ay sabihin na ng huli ang totoo.

Habang nang banggitin ang pangalan ni Senate President at impeachment presiding Officer Juan Ponce Enrile, sinabi ng Punong Ehekutibo na “Alam naman natin… Wala naman hong—paano ba? Eskwelahan na pagpa-praktisan mo lahat ito at matagal—As a legislator, matagal na po siyang hindi pwedeng mag-practice. So ‘yung nakikita naman po natin ay talagang mukha naman pong fair na fair.”

Kapag binanggit naman aniya ang pangalan ni Senador Miriam Defensor-Santiago ay masasabi niya aniya na “Marami ho tayong nakikita ‘pag siya ang nagsalita.”

Ang masasabi naman niya kapag nabanggit ang pangalan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay “Aba, basta we will grant her and we will protect her rights.”

At kapag narinig naman ang slogan ng DOT na “It’s More Fun in the Philippines,” sinabi ni Pangulong Aquino na “Maliwanag naman po siguro ‘yan. Lahat talaga ‘pag ginagawa mo rito ‘yung pwede mo ring gawin sa ibang lugar eh ‘di hamak mas masaya rito.”

Sa kabilang dako, kapag nabanggit naman ang ‘Thrilla in NAIA’— Mon Tulfo versus Raymart Santiago and Claudine ay natawa muna ang Punong Ehekutibo sabay sabing “sana umabot din tayo doon sa sitwasyon na hindi na kailangan ng karahasan, ano, whoever started it. It takes two to tango. May dalawang participant, sana kaya nating pag-usapan lahat ng bagay sa mahinahon na pamamaraan.”

Kapag nabanggit naman aniya ang Catholic Bishops Conference of the Philippines

(CBCP), sinabi nito na “marami naman po tayong nakakausap sa kanila na natutuwa ho tayo. Nagfo-focus sila doon (sa kung) saan pwede tayong magkasundo rather than mag-away.”

At kapag nabanggit naman ang Philippine media ay sinabi ng Pangulong Aquino na “Nag-i-improve ‘pag nakikita ko si Mr. Basbaño.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply