PNOY nakipagpulong kay Ka Eduardo ng INC

PERSONAL na pinuntahan ni Pangulong Benigno Aquino III si Eduardo V. Manalo “Ka Eddie boy”,Deputy Executive Minister ng Iglesia ni Cristo para makipagpulong kahapon.

Kinumpirma ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na mismong si Pangulong Aquino pa ang dumayo sa INC Central Temple para makausap si Ka Eduardo hinggil sa sinasabing “burning issue” na impeachment trial.

“The President explained to Ka Eduardo the reasons for the impeachment—that this is part of his reform agenda and basically it was just to touch base with the Iglesia ni Cristo,”ayon kay Lacierda.

Inamin ni Sec. Lacierda na walang nakaka-alam ng meeting na ito dahil wala ito sa regular schedule ng Punong Ehekutibo at ito’y kinunsidera nilang “private meeting”.

Aniya,  ang pakikipagpulong ni Aquino kay Ka Eduardo ay walang kinalaman  sa napaulat na pagla-lobby ng INC sa mga senator –judges para sa pagpapawalang sala kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

“Today we confirm that the President  meet with Ka Eduardo of the Iglesia ni Cristo this morning. The meeting has been previously scheduled. In fact, before Holy Week pa, there was already a planned meeting with Ka Eduardo. Unfortunately, the schedule of the President and the schedule of Ka Eduardo could not jibe. It was only this Monday or today that they were able to find a common schedule. So the purpose of the President’s meeting was to touch base with Ka Eduardo and the Iglesia ni Cristo. As you know, the Iglesia ni Cristo supported the President during his senatorial campaign and during also his presidential campaign,” ayon kay Sec. Lacierda.

Sa katunayan ay noon pang semana santa naka-iskedyul ang pulong subalit ngayon lamang natuloy dahil ngayon din lang nagkatugma ang schedule kapuwa nina Pangulong Aquino at Ka Eduardo.

“I think ‘yung tungkol sa scheduling, you know, Ka Eduardo is the head of Iglesia ni Cristo. His schedule is also jampacked and together with the President’s schedule also.  The scheduling was not done on a whim. They tried to fix the schedule on both parties. It was only last Monday na nagkaroon po ng confirmation of availability of both parties to meet, sabi ni Lacierda.
Aniya, kabilang sa pinag-usapan ang mainit na isyu sa impeachment trial laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona kung saan ay ipinaliwanag ng Punong Ehekutibo ang kanyang dahilan kung bakit suportado nito ang pagpapatalsik kay Corona sa puwesto.

Sa kabilang dako, inihayag naman ni Sec. Lacierda na masaya at okay ang Pangulong Aquino pagkatapos ng meeting sa central office ng INC sa Quezon City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply