PNoy suportado si Lim kaysa kay Erap

KAHIT si Manila Mayor Alfredo Lim ang susuportahan ni Pangulong Benigno Aquino III ay ayos lang kay dating Pangulong Joseph Estrada makaraang kumpirmahin ang kanyang pagtakbo sa lungsod bilang mayor sa 2013 elections.

Ani Estrada, wala aniya siyang personal na isyu laban sa kasalukuyang alkalde.

Si Lim ay itinalaga noon ni Erap bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government, samantalang sa kasalukuyan ay kaalyado naman siya ni Pangulong Aquino sa Liberal Party.

Kanina, pormal nang nagparehistro bilang botante ng Barangay 781, Zone 57 ng ika-apat na distrito ng Sampaloc si Estrada bilang paghahanda sa kanyang planong pagtakbo bilang mayor ng Maynila.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply