PNoy tutulak patungong United Kingdom

NAKATAKDANG tumulak ang Pangulong Benigno Aquino III sa United Kingdom of Great Britain at manatili roon mula Hunyo 4 hanggang 6 bilang bahagi ng kanyang tatlong araw na official visit at “panauhin ng pamahalaan ng UK” .

Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng Chief Executive sa UK bilang Pangulo ng Pilipinas mula nang manungkulan siya noong 2010. Ang UK ang tanging bansang Europeo na dadalawin ng Pangulo sa taong ito.

Sa UK, nakatakdang makipagpulong ang Pangulo kay Punong Ministro David Cameron sa 10 Downing Street kung saan inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ang pagtutulungang pampulitika at pangkabuhayan ng Pilipinas at UK, gayundin ang pakikisa ng UK sa interna-tional contact group (ICG), mga pampurok at pandaigdig na isyu, at ang mga ginagawa ng dalawang pamahalaan sa pagbaka sa katiwalian at pagsasagawa ng mabuting pamamahala.

Habang nasa London, ang Pangulo ay makikipagpulong sa mga negosyante, lalahok sa Philippine fun tourism campaign ng Kagawaran ng Turismo, bukod sa paklkipag-usap sa mga Pilipino na naninirahan sa UK. Sa lahat ng bansa sa Europa, pinakamarami ang Pilipino sa United Kingdom.

Nakatakda ring puntahan ng Pangulo ang Imperial War Museum sa London.

Maghahadog ng tanghalian sa karangalan ng Pangulo si David Alderman Wootton, Lord Mayor ng London. Makikipagpulong din siya sa Duke of York na si Prinsipe Andrew. Anak ni Reyna Elizabeth ng Inglaterra.

Nakatakda ring kapanayamin ng BBC World News ang Pangulo.

Noon pang 1946 nagsimula ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at UK. Ang UK ang pangunahing imbestor sa hanay ng mga bansang Europeo at ika-23 na trading partner, pinakamala-king merkado ng turismo sa Europa at kung saan matatagpuan ang pinakamalaking bilang ng mga Pilipino sa buong Europa.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply