PNoy: Wawalisin ang mga mahihirap sa bansa

TINIYAK ng Malakanyang na wawalisin nila ang lahat ng mahirap sa bansa sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program habang nakaupo si Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na naniniwala ang pamahalaan na ang 4Ps ay solidong pundasyon para ayusin ang kalidad ng buhay ng bawat filipino.

Sa ngayon, may tatlong milyong household ang nakikinabang sa nasabing programa na ang layunin ay isulong ang economic at social reforms upang plantsahin ang kondisyon ng mga mahihirap na pamilyang filipino sa bansa, sabi ni Lacierda.

Ang 4Ps o Conditional Cash Transfer na programa ng Aquino administration sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay naglalayong agad na pagaanin ang paghihirap ng mga mahihirap na pamilya bunsod na rin ng global crisis.

“Based on the experiences in Mexico and in Brazil, the CCT program does work as long as maayos po ang pagtarget sa mga mahihirap at hindi pinupulitika. And that’s why we have the National Household Targeting System,” anito.

Bukod sa mataas na bilang na school enrollment ng mga mahihirap na kabataan ay naging maayos din ang bilang ng mga child immunization at pre-natal medical care dahil na rin sa tulong ng PPPP at CCT.

Ipinakita naman sa ilang pag-aaral na ang program para sa mga mahihirap ay inaasahan na tataas din ang annual income ng mga benepisaryo ng 12.6 porsiyento.

“While the increase in household incomes is indeed an intended objective of the program, the government’s overall social program also aims to ensure that beneficiaries remain healthy, educated, and productive,” ayon sa ulat.

Samantala, palalawigin pa rin ng pamahalaan ang sakop ng programa upang makarating ito sa mga mahihirap na pamilyang Filipino sa buong bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply