PNP nasa full alert status para sa ADB Meeting

KAHIT tapos na ang selebrasyon ng Labor Day, naka-full alert pa rin ang Philippine National Police (PNP) para sa 45th Asian Development Bank (ADB) Meeting na mag-uumpisa ngayong araw at tatagal hanggang sa Sabado, Mayo 5.

Sinabi ng Manila Police District na kahit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City idaraos ang naturang meeting ay sa mga hotel sa Metro Manila naman nanunuluyan ang karamihan sa 37 finance minister at 4,000 delegado na galing sa 67 bansa.

Mahigpit na babantayan ng mga awtoridad sa mga establisimyento na maaaring puntahan ng mga delegado gaya ng mga hotel, restaurant, mall at iba pa.

Magpapakalat naman ng 3,000 pulis at militar sa PICC upang tiyakin ang seguridad ng mga dumarating na delegado roon.

Naglaan din ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) mobile investigation van na maaaring pagsumbungan ng mga delegado sa oras na magkaroon ng problema na may kaugnayan sa peace and order.

Mahigpit na rin ang pag-iinspeksyon sa mga sasakyang pumapasok sa PICC compound.

Isara na rin muna sa mga motorista ang pasukan sa may bahagi ng Star City at Coconut Palace.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply