Police asset inutas, amo na parak isusunod

HINDI lamang itinumba ng isang hindi nakikilalang lalaki ang isang police asset, kundi ipinahahatid din nito na isusunod na niya ang pulis na amo ng kanyang pinatay.

“Sir akala ko ikaw yung sakay ng motor. May araw ka rin sa akin …See you soon,” ito ang mensahe kay Police Officer 3 Marlon Colito, na nakatalaga sa Quezon City Police District Station 6, na kanyang natanggap.

Sinabi ni Police Officer 2 Alvin Quisumbing, na ang text message ay ipinadala sa pamamagitan ng cellphone ni Rolando Reyes Jr., 43-anyos, na iniulat na isang drug informant, na binoga noong nakaraang Biyernes sa tapat ng isang botika sa Barangay Commonwealth.

Ayon sa isang tindero ng botika, nilapitan ng isang lalaki si Reyes at sa hindi malamang dahilan ay pinagbabaril ito sa ulo. Sinabi ni Quisumbing na may natagpuan na mga basyo ng .45 caliber bullet shells sa lugar ng krimen.

Nawawala ang cellphone ni Reyes at pinaniniwalaang tinangay ng pumatay sa kanyaat hindi rin kinuha nito ang P2,000 na nasa tabi ng bangkay ng biktima.

Sinabi ni Colito na noong gabi na nabanggita ay nagpunta sa presinto si Reyes para humingi sa kanya ng pera para ibuli n gatas ng kanyang anak. Matapos maiabot ang pera, umalis na aniya si Reyes sa presinto at hiniram ang kanyang motorsiklo.

Makaraan ang isang oras simula nang umalis si Reyes sa police station, nagtataka si Colito kung bakit natagalan si Reyes para ibalik ang kanyang motorsiklo hanggang samatanngap na lamga niyta ang naturang text message ng suspect.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply