Polisiya, batas sa pagbabangko ipinarerebisa

IMINUNGKAHI ng House Committee on Good Government and Public Accountability na gumawa ng komprehensibong pagrebisa sa mga polisiya at batas para sa sektor ng pa pagbabangko.

Ayon sa chairman ng nasabing komite na si Iloilo Rep. Jerry Trenas, dapat magtulungan ang   Ehekutibo at Kongreso sa prosesong paglilinis upang madetermina ang integridad at pinansyal na   kapasidad ng isang bangko sa bansa.

Tinukoy ni Trenas ang naging problema na dulot ng pagsasara ng Export Import Bank kung saan ay maraming depositor nito mula sa maliliit at malalaking negosyante ang lunos na naapektuhan.

Ang mga pagsasara ng mga bangko ay mistulang kasiraan ng buong industriya ng pagbabangko   kaya dapat lamang na linisin na ang mga batas at polisiya nito.

Ani Trenas, dapat sa gaganaping congressional inquiry ay mapag-aralan at mapalitan ang anumang hindi magawang alituntunin nito para muling manumbalik ang magandang kredibiidad ng sektor.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply