Polisiya vs pambu-bully inilatag ng DepEd

INILABAS na ng Department of Education (DepEd) ang Child Protection Policy and Guidelines laban sa pambu-bully.

Nakasaad dito na dapat bumuo ng Child Protection Committee ang bawat paaralan at magkakaroon ng ‘psycho-social intervention’ sa mga kaso nang pang-aabuso.

Isinusulong ngayon sa Kongreso ang panukalang batas na naglalayong magpatupad ng polisiya laban sa pambu-bully sa mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Naipasa na sa committee level ng House of Representatives ang anti-bullying bill samantalang nakabinbin pa rin ang Senate Bill 413 na isinusulong ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Sa ilalim ng consolidated bill na House Bill 5248, tinutukoy nito ang bullying na serye ng mga aksyon ng isang menor de edad laban sa kapwa niya menor sa loob ng paaralan.

Inisa-isa rin ng panukala ang mga aksyon na maituturing na pambu-bully, at ang mga ito ay ang pananakot; stalking; pagnanakaw; pamamahiya, malisyosong alegasyon, pambibintang na nakakapanira sa integridad; paninira ng pag-aari ng isa pang estudyante; pananakit sa kapwa mag-aaral na nagreresulta sa pagkasugat may gamit man o walang sandata kagaya ng pambubugbog, paghampas, pagsuntok, pagsipa, pagbato, pagsapak, panunulak at iba pang kahalintupad na bagay; pamimilit ng sexual favor, pangingikil o pagkuha sa mga bagay na pag-aari ng isang estudyante.

Sa ilalim ng panukalang batas, inaatasan ang lahat ng paaralan, pampubliko man o pribado na magpatupad ng polisiya para matigil ang bullying sa mga eskwelahan.

Pinapayagan ang mga magulang o guardian ng isang estudyante na maghain ng sumbong hinggil sa bullying

Inaatasan ang mga guro o iba pang empleyado ng paaralan na nakakita ng insidente ng bullying na ipaalam kaagad ito sa opisyal ng paaralan.

At inaatasan naman ang opisyal ng paaralan na imbestigahan ang sumbong hinggil sa bullying.

Kaugnay nito, lumalabas sa survey ng DepEd na pito sa bawat 10 estudyante ang nakararanas ng pambu-bully.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply