Political delicadeza

MINSAN ay nagkita-kita kami ng Claretians sa isang restaurant. Kahit iba’t ibang year kami nagtapos sa Claret School of Quezon City ay very close kami sa isa’t isa.

Mga kwento tungkol sa mga schoolmate ang aming pinag-usapan. Isa na rito si Cong. Bolet Banal ng Third District ng Quezon City na nakasama ko sa konseho.

Ineengganyo raw ng marami na ang ama ni Bolet, si dating Konsehal Tito Jorge Banal ay tumakbo ng Konsehal. Siguradong panalo si Tito dahil numero uno na konsehal siya bago humalili si Bolet sa kanyang ama. Nabalitaan daw ni Cong. Bolet Banal at kinausap agad yung mga taong nang-eengganyo.

Sa halip na pumayag ay sinabi ni Cong. Bolet Banal sa kanila, “Mga tol, tigilan na n’yo si erpats. Nakapagsilbi na siya at me edad na siya. Saka andito naman ako. Di pa ba sapat ang isang Banal?”

Marahil sa ibang politiko ay kaagad papayag sila na patakbuhin ang kamag-anak, lalo na at mananalo.

Pansinin mo sa inyong lungsod o probinsya at mapapansin mo na halos magkakapatid, mag-asawa, mag-ama o mag–ina ang mga nanunungkulan. Political Dynasty ang tawag dito at kaya nagkaroon ng term limit ang mga elected official ay para hindi umusbong ang mga political dynasty.

Kung katulad ni Bolet ang mga nakaupo ay maaaring mangyari ito. Pero iba ang kultura ng pulitika sa Pilipinas. Tanggap ng tao ang ipasa o ipamana ang posisyon kapag hindi na makatatakbo ang nakaupo. O kaya naman pag sinuri mo ang kasaysayan ay mga apo o anak na ng dating mga politiko ang nakaupo o tatakbo sa darating na halalan.

Masama ba ito? Hindi. Walang masama kung anak naman o asawa ay kwalipikado at may puso sa public service. Marami ang mahuhusay na manunungkulan. Pero ang masama ay kapag kinokopo na ng isang pamilya ang mga puwesto sa gobyerno at kada distrito na lang o lungsod o lalawigan ay may kapamilya, kapuso o kapatid na pinatatakbo.

Ganunpaman, depende pa rin sa tao ang lahat. Kung mahusay at may puso sa public service naman ay bakit nga ba hindi natin suportahan? Pero kung pinatatakbo lang para mahawakan at gawing kaharian ang isang lugar, dapat natin sigurong pag-isipan.

May mga politiko pa naman na katulad ni Cong. Bolet Banal na may delicadeza sa pulitika.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply