Pork smuggling: Ilang taga-BAI ang dapat sisihin

MAINIT ngayon ang isyu tungkol sa pork smuggling sa bansa at ang nababagsakan ng sisi ay ang Bureau of Customs (BOC). Mantakin n’yo ang BOC ang direktang inaakusahan at sinisisi ng local hog raisers  sa bansa sa pagkalugi nila dahil daw sa tutulog-tulog ang BOC kaya nakalulusot ang mga karneng galing sa labas o ibang bansa.

Naku po naman, halos hindi na nga magkanda-ugaga ang BOC sa pagtatrabaho nila para masugpo ang mga nagpapalusot ng naturang  produkto sa bansa.

Ang ilang tiwaling opisyal at kawani ng Bureau of Animals Industry (BAI) ang dapat sisihin sa mga pagpapalusot ng mga imported pork.

Para sa mga hog raiser, malaki ang bahagi ng BAI sa pagpapasok ng mga imported meat sa bansa. Ang BAI ang nagbibigay ng permit sa  importers na nagpapasok ng karne kaya nakasalalay sa kamay ng BAI ang buhay ng importers at hindi sa BOC. Ang papel ng BOC ay tumitingin lang kung tama o naayon sa nilalaman ng permit (mula sa BAI) ang pinapapasok na karne ng importers.

Kung ang laman ng permit ay fats (taba) o laman-loob (atay, puso, bituka) o balat lang ng baboy o baka, kinakailangan ay talagang ito lang ang ipapasok at walang halong karne (laman).

Pero ang nangyayari pinalulusot ito ng ilan sa mga taga-BAI.

Sinasaway ng BAI ang inisyu nilang permit at pagkatapos nito, ang BOC ang sinisisi ng hog raisers at publiko. Ano ba yan!!!

TONG-COLLECTION SA SUGALAN, TULOY

Uy tuloy pa rin daw na ipinangongolekta ni alyas Labo ng lingguhang I.N.T. sa mga iligal na pasugalan ang kanyang among si Col. Villanueva ng Nueva Ecija Police Provincial Support Group (PPSG) na dating Provincial Mobile Group (PMG).

Paging, R-3RD Gen. Edgardo Ladao.

ITUTULOY!

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o mag-email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply