Powers ng Ombudsman kakapunin ni Osmeña

ISINULONG ni Sen. Serge Osmeña na rebyuhin ang kapangyarihan ng Ombudsman sa harap ng pagkwestyon at pangamba na magamit ito para sa paghahabol sa mga kritiko at kalaban ng administrasyon.

Sa debate ng mga senador sa plenaryo kaugnay ng panukalang palawigin ang Anti-Money Laundering Act (AMLA), sinabi ni Osmeña na dapat pag-aralan din na limitahan ang kapangyarihan ng Office of the Ombudsman sa ilalim ng Ombudsman Act partikular ang ukol sa pagkalap at paggamit ng mga confidential bank information mula sa Anti Money Laundering Council (AMLC).

Inihalimbawa ni Osmeña na pwedeng ilimita lamang sa impeachable officials ang ang pagkuha ng Ombudsman ng bank records na walang court order.

Maaari rin anyang i-require muna sa Office of the Ombudsman na magkaroon ng probable cause bago makahingi sa AMLC ng impormasyon ukol sa bank accounts ng isang opisyal ng pamahalaan.

Una rito, nagpahayag ng pangamba sina senator Joker Arroyo, Tito Sotto at Ferdinand”Bongbong” Marcos na maaaring abusuhin ng Ombudsman ang kapangyarihan sa pamamagitan ng paggamit ng AMLA para busisiin ang bank records ng mga kalaban sa pulitika ng administrasyon.

Sa impeachment trial, tiniyak na rin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hindi ito magpapagamit para sa personal interest ng mga pulitiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply