Prayer vigil vs Lady Gaga concert ikinasa

MAGSASAGAWA ng prayer vigil ang religous group laban sa nakatakdang concert ni Lady Gaga sa bansa bukas, May 21.

Inilatag ang nasabing prayer vigil ng mga kumokontra sa pagtatanghal sa bansa ng pop singer Stefani Joanne Angelina Germanotta, alyas Lady Gaga.

Kahapon ay nagmartsa na ang grupong Biblemode Philippines sa Roxas Boulevard bilang protesta pero napigilan sila ng mga awtoridad.

Una nang tiniyak ng grupo na babantayan nila ang concert ni Lady Gaga at nakahanda silang magsampa ng kaso sakaling makarinig sila ng mga kantang “blasphemous” o laban sa Simbahang Katolika.

Dumating na kagabi ang singer para sa dalawang araw na concert na bahagi ng kanyang “Born This Way” tour.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply