Preliminary investigation sa kaso nina Claudine, Raymart at Tulfo nakatakda na

NAKATAKDA na ang preliminary investigation sa magkahiwalay na kasong isinampa ng kampo ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barreto at ng beteranong kolumnistang si Ramon Tulfo sa Pasay City Prosecutors Office.

Itinakda sa Mayo 29, 2012, alas-10:30 ng umaga ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa reklamo ng mag-asawang Santiago laban kay Tulfo sa tanggapan ni Pasay City Assistant Prosecutor Manuel Loteyro kaugnay na kasong physical injuries at paglabag sa Anti-Child Abuse Law.

Samantala, sa Mayo 30 naman ng alas-2:30 ng hapon itinakda ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa tanggapan ni Assistant City Prosecutor Orlando Mariano kaugnay naman sa kasong physical injuries, grave oral defamation at grave coercion na isinampa ni Tulfo laban sa mag-asawa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply