PNoy may 90 araw bago magtalaga ng bagong CJ

MAY 90 araw na itinatakda ang batas para makapagtalaga ng bagong Supreme Court Chief Justice si Pangulong Benigno Aquino III sa oras na tuluyang iwanan na ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona ang kanyang posisyon matapos mahatulanng guilty sa paglabag sa sa Article 2 ng Articles of Impeachment.

Tiniyak ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na karapat-dapat na Supreme Court (SC) chief justice ang magiging kapalit ni Corona.

May opsyon din ang Pangulong Aquino na hindi tapusin  ang 90 araw bago magtalaga ng bagong chief justice si Pangulong Aquino basta matanggap na ang shortlist mula sa Judicial and Bar Council (JBC).

Aniya, kailangan pa ring dumaan sa JBC ang mga posibleng nominado at pipiliin ng Pangulo ang pinakakuwalipikado.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply