Presong pumuga sa Mandaluyong sumuko

SUMUKO ang isang preso na tumakas sa Mandaluyong City Police Station matapos mapagod sa katatago sa Valenzuela City, kaninang madaling araw.

Nakilala ang sumuko na si Gabriel Gonzales, 26 ng Bahay-Toro, Quezon City.

Base sa ulat, dakong alas-3:00 kaninang madaling araw nang sumuko si Gonzales kasama ang ina sa Valenzuela City Police Station.

Lumalabas na noong Mayo 15, 2012, nagawang makatakas ni Gonzales na may kasong Theft kasama ang siyam na preso nang lagariin ang rehas ng Mandaluyong City Police Station.

Dahil napagod na sa katatago ay naisipan ni Gonzales na sumuko at humingi ng tulong sa Barangay Ugong, Valenzeula City na sinamahan naman sa Valenzuela City Police Station.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply