Presyo ng gulay sumirit na

SUMIRIT na ang presyo ng gulay dahil sa pagbaba ng ani ng mga gulay bunsod ng mainit na panahon.

Batay sa ulat nabatid na sa Nepa Q-mart sa Quezon City, nasa P60.00 na ang kada kilo ng kalamansi mula sa P48.00 samantalang P20.00 ang dagdag sa presyo ng kintsay mula sa P60.00 bawat kilo.

Sumirit na rin sa P8.00 ang kada kilo ng sibuyas na dating P56.00 at P12 ang nadagdag sa bentahan ng kamatis kada kilo na mula sa P36.00.

Sa kabila nito inaasahan ng mga konsyumer na bubulusok din ang presyo ng gulay pagsapit ng tag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply