Presyo ng isda sa ilang palengke sa Metro Manila bumaba

DAHIL sa naganap na fishkill, bumababa ang bentahan ng isda sa ilang palengke sa Metro Manila.

Sinabi ng mga fish vendor na natatakot ang mga mamimili dahil sa pangambang kontaminado ang kanilang mabibiling isda matapos ang fishkill sa Laguna de Bay.

Kailangan pa umanong kumbinsihin ang mga mamimili na hindi galing ng Laguna kundi sa ibang lalawigan hinango ang mga ibinibenta nilang
isda.

Nabatid na mula sa P80.00 kada kilo ay mabibili na sa P70 ang tilapya.

Ayon sa Department of Agriculture, walang dapat ikabahala ang publiko dahil nailibing na lahat ng mga namatay na isda sa Laguna de Bay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply