Presyo ng tinapay, harina at asukal binabantayan ng DTI

MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyuhan ng tinapay, harina at asukal sa merkado

Ang pagbabantay ay upang masigurong hindi nasasamantala ng mga negosyante ang presyuhan ng mga nabanggit na produkto.

Ayon kay Trade Undersecretary Zenaida Maglaya, may natanggap silang report na P100 ang ibinagsak ng kada sako ng harina.

Kung may katotohanan ang nakalap na ulat, dapat matapyasan ng P2.50 ang presyo ng kada loaf ng tinapay.

Maliban dito may natanggap din silang impormasyon na P4 na ang itinaas ng kada kilo ng asukal samantalang ayon sa sugar regulatory administration ay dapat P1 lamang ang itinaas nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply