Price cap sa presyo ng sardinas ipatutupad

PINAG-AARALAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapatupad ng “price cap” sa presyo ng sardinas makaraang matanggal na ang “ban” sa pangingisda ng tamban sa Mindanao, dalawang buwan na ang nakalilipas.

Ayon kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, pinayagan nila ang pagtataas sa presyo ng sardinas nitong unang tatlong buwan ng taon dahil sa kakapusan sa suplay ng isdang tamban dahil sa ban sa panghuhuli nito sa mga karagatan sa Mindanao.

Ngunit dahil sa dagsa na muli ang suplay ng naturang isda makaraang matanggal na ang ban dalawang buwan na ang nakalilipas, plano ngayon ng DTI na magpatupad ng price cap na P12.50 kada lata sa lokal na pamilihan.

Tiniyak naman ni Secretary Gregory Domingo na bukas ang linya ng komunikasyon nila sa industriya ng sardinas sa bansa para sa anumang galaw ng presyo.

Samantala, nakatakda namang tapyasan ng lokal bakers ang presyo ng Pinoy Pandesal ng P1 kada 10 pirasong balot dahil sa bahagyang pagbaba sa presyo ng arina.

Dulot umano ito ng pagtangkilik ng flour millers sa harina buhat sa Indonesia at hindi sa dating mas mahal na isinusuplay na imported na harina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply