Private armies sa bansa pinabubuwag

NANINIWALA ang isang arsobispo ng Simbahang Katolika na napapanahon na ang pagbuwag sa mga private armies sa bansa na sinasabing sanhi nang magulong halalan sa bansa.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, karahasan lamang at pagkawala ng buhay ang naidudulot ng pagkakaroon ng armas.

Kasabay nito, hinamon ni Arguelles ang pamahalaan na magkaroon ng political will para lansagin ang lahat ng private armies sa bansa na kontrolado ng mga politikong ayaw bigyan ng pagkakataon ang iba na pamunuan ang kanilang lugar.

Maging ang mga awtoridad ay hinimok din ng arsobispo na kumpiskahin ang lahat ng loose firearms para matiyak ang payapa at malinis na halalan lalo na sa mga itinuturing na election hotspots.

Sinabi pa ng arsobispo na ang may karapatan lamang humawak ng armas ay mga matitinong pulis at militar na nagtatanggol sa bayan at hindi ng  sinuman para lamang gamitin sa masama.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply