Pro at anti-Corona rally babantayan

BABANTAYAN ng Philippine National Police hindi lamang ang mga pro-Corona rally kundi maging ang mga anti-Corona rally upang mapanatili ang kaayusan sa Metro Manila.

Nagpakalat na ngayon ang Manila Police District ng may 400 police personnel upang magbantay sa mga lugar na madalas pinagdadausan ng protesta.

Dalawang team ng special reaction unit, sampun team ng covert and intelligence personnel at limang team ng mga imbestigador at arresting officer ang kabilang sa ipinakalat sa paligid ng Korte Suprema.

Una nang sinabi ng Malakanyang, inaasahan na ang mga ikakasang rally maka-Corona man o hindi sa oras na maibaba ang hatol kay chief Justice Renato Corona mamayang hapon.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, na nakahanda ang PNP sakaling umarangkada na ang mga magpoprotesta mamayang hapon.

Nakiusap naman ang Makalanyang sa mga raliyista na maging mahinahon sa kanilang ikakaang pagtitipon.

Nagpakalat na ngayon ang Manila Police District ng may 400 police personnel upang magbantay sa mga lugar na madalas pinagdadausan ng protesta.

Dalawang team ng special reaction unit, 10 team ng covert and intelligence personnel at limang team ng mga imbestigador at arresting officer ang kabilang sa ipikalat sa paligid ng Korte Suprema

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply