Pro at anti-Tulfo, call girl na holdaper at si de Lima

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga masusugid na reader na ipahayag ang kanilang mga kaisipan, paninindigan, sumbong at iba pa.

PRO-TULFO, ANTI-SANTIAGO

Sir gandang gabi po. Pakisali po itong mensahe ko sa column mo sa diaryo. Sobrang yabang, sobrang mahangin itong si Raymart at si Claudine Barretto. Binugbog nila itong senior citizen at parang tatay na rin nila. G… ka, Raymart Santiago, malakas ka pa sa hanging habagat, t…. ka. Sobrang yabang talaga ang mag-asawang Raymart at Claudine. Nanawagan pa sa taumbayan. Hoy bo…, dapat kayo ang modelo sa publiko. Dapat ‘di kayo nagmumura. Sobrang yabang, tinawag pa si Go-kongwey. +63930838….

PRO-SANTIAGO, ANTI-TULFO

Claudine/Raymart Santiago vs Ramon Tulfo. Ang video na ipinakikita nila ay rambulan na parang pinagtutulungan nila si Mon Tulfo. May problema rito sa mga Tulfo…kung  bakit parang walang nagmalasakit kay Mon Tulfo. Pero bahala ang investigators kung sino ang unang sumapak, Raymart o Ramon kasi walang video ang umpisa. Sa pananaw ng iba kundi ng karamihan, si Sir Ramon Tulfo ang nag-umpisa ng gulo sa pagkuha nito ng litrato ni Mon Tulfo kay Claudine habang nasa kalagitnaan ng kanyang galit sa taga-Cebu Pacific ng kanilang bagahe na nawawala.

Ito ay isang issue na personal na ‘di naman pang-Public Interest na gawing News Item o Issue na pang-broadcasting. Batikang broadcaster at Kolumnista si Mon Tulfo, bakit yang nagagalit na Claudine Barretto pa ang kanyang inatupag na bigyan ng panahon at kunan ng litrato. Tao lang si Claudine at babae pa na nagagalit. +63920823….

CHED AT TUITION HIKE

Naku naman ang mga taga-CHED, parang ‘di sila nakapag-aral. Mga professional  naman sila. Bakit basta na lang nila in-approve ang Tuition Hikes nang wala naman silang ipinakitang pruweba kung paano ang isang paaralan na basta nagtataas ng mga tuition o matrikula.

Dapat ang gawin ng CHED e, i-require nila ang mga paaralan na bago sila magtaas ng tuition ay ipasumite nila ang kanilang assets and income for proper auditing kung talagang kinakailangan silang magtaas.  Ang kaso, taas sila ng taas ng tuition o matrikula e nag-improve ba o tumaas din ba ang kalidad ng kanilang pagtuturo at mga kasangkapan o gamit sa mga laboratory? Dapat naman mag-examine sila, mag-investigate itong mga taga-CHED sa mga paaralan na ito kung nararapat na magtaas sila ng mga tuition. Emil Hombre Bueno, ng  Cordillera. +63920823….

SAHOD ITAAS

Wala talagang magagawa si PNoy sa lumalalang problema ng bayan.

Karamihan ng mga Pinoy ay manggagawa po lamang. Dito sila kumukuha ng kinakain araw-araw, karamihan sa kanila ay di kayang paaralin ang kanilang mga anak. Ultimatum na isang sentimo mula sa kanilang sahod ay nata-tax  na.  Ang hinihingi lang po ng mga manggagawang Pinoy ay  taasan ang kanilang sahod ng nasa national government at across the board. Wala kasing ginagawa  ang mga  Regional Wage Board. Sayang lang ang pera ng bayan na kanilang ginagasta sa kani-kanilang mga opisina. Nararapat na buwagin na lang ang mga regional wage board. Ma. Lourdes Remolasyo-Aquino, ng Dagupan City. +63920823….

PICK-UP GIRL NA HOLDAPER

Sir, paaksyon naman sa may Recto at Avenida. Uso  yung mga pick-up girl na holdaper. Sana naman mahuli yang mga siraulong yan para  wala na silang maloko. +63909375….

UMAASANG MATULUNGAN

Good pm, sir. Binabati po namin kayo sa pagkapanalo uli bilang Pangulo ng National Press Club. Sana po matulungan niyo po kaming mga manggagawa ng Bicol laban sa mga may-ari ng mga establisimyento at security agency na hindi nagpapasahod ng tama. Lahat ng benepisyo tulad ng overtime, double pay at night differential. Sana ilathala niyo po sa kolum niyo ang aming hinaing. Salamat po, paging dole secretary. +63907767….

DRUG QUEEN NAMAMAYAGPAG

Good am po, sir. Nais lang po naming ipaalam sa inyo na tuloy-tuloy pa rin sa pagbebenta ng shabu ang drug queen ng St. Teresa dito po sa Maricaban, Pasay. ‘Di naman po kayang hulihin ng mga pulis Pasay. Pakiaksyunan naman po ninyo ito at ipaalam sa PDEA. Chacha po ang name nito. +63946895….

DoJ PABAYA

Malaking pabaya at malaking lapses ang naganap sa sensitibong trabaho ng hustisya. Hindi uubra ang salita ni DOJ Sec. De Lima. Talagang kapalpakan ang ginagawa ni De Lima bilang  Justice Secretary. Alam nila na sensitibo ang Dominguez case, bakit nila pinabayaan at pinahintulutan na lang basta ang kagustuhan ng witness na pasaway raw? Pati si  De Lima pasaway rin. Dapat na managot si De Lima sa pagkamatay ng witness sa witness Protection Program. Baka isipin pa ng mga tao na kasabwat ang DOJ sa

protection ng mga Dominguez Illegal  Activities. Brenda Suarez, ng Quezon City. +63920823….

WALANG OSPITAL

Sana po matulungan niyo kami sa problema namin. Wala pong malapit na ospital dito sa resettlement site ng Brgy. Gayagaya, San Jose del Monte, Bulacan. May malapit pero maliit na ospital lang po at private pa. Nanganak ang kapitbahay ko, normal, ngunit gumastos ng P15K. May painless po yun, Kapag wala, P7K-P8K po, sir Benny. Ang public hospital ay sa Malolos pa po, eh. Papaano kung emergency? Alangan namang tatakbo pa ng Malolos mula rito sa San Jose. +6390826….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply